
we"ll August is about to end and September comes near :D haha the start of the "-ber" months. So here in the Philippines people are expecting to have a cool weather and for some they"ll be preparing stuffs for x'mas ;p I almost forgot that August is the "Buwan ng Wika" so: bigyan pugay muna natin ang sariling wika bago tayo pumunta ng buwan ng setyembre ;p
Isang buwang pag-alaala at pagpapahalaga sa pagkakaroon nating mga Pilipino ng isang wikang matatawag na sariling atin, ang Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay isa sa mga bagay na nagbubuklod at nagpapakita ng ating pagka-Pilipino.
Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng pagdiriwang na ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Taon-taon, ang mga institusyong edukasyonal kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang mga paraan ng pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.
Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmena ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging posible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.
Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.
Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.